Connect with us

Maynilad, nag-anunsyo ng service interruption bunsod ng paglabo ng tubig ng Laguna Lake

26 na brgy. sa QC, makararanas ng water interruption hanggang Hunyo 1

Metro News

Maynilad, nag-anunsyo ng service interruption bunsod ng paglabo ng tubig ng Laguna Lake

Inanunsyo ng Maynilad Water Services, Inc. (MWSI) na magpapatupad ito ng pansamantalang water service interruption sa ilang mga lugar bunsod ng pagtaas ng turbidity level ng Laguna Lake bunsod ng Northeast Monsoon o hanging Amihan.

Ayon sa Maynilad, nagresulta ito sa pagkabawas sa produksyon ng Maynilad upang masiguro ang kalidad ng tubig na isinusuplay nito sa mga customer.

Simula January 5-20, ang mga customer sa parte ng Metro Manila at Cavite ay makararanas ng water service interruption.

Inabisuhan naman ang mga customer na mag-imbak kung mayroon pang suplay ng tubig.

Sinabi rin ng Maynilad na ihahanda nito ang mga water tankers nito upang masuplayan ng tubig ang mga apektadong komunidad.

More in Metro News

Latest News

To Top