Connect with us

Mayor Alice Guo, inilabas na ng DOJ

Mayor Alice Guo, inilabas na ng DOJ

National News

Mayor Alice Guo, inilabas na ng DOJ

Sinimulan ng ipatupad ng Bureau of Immigration (BI) ang Immigration Lookout Bulletin Order (ILBO) na inilabas ng Department of Justice (DOJ) laban kay Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ayon kay BI Commissioner Norman Tansingco, natanggap na nila ang 3 pahinang ILBO laban kay Guo, 1 Guo Hua Ping at 17 iba pa.

Ang ILBO ay inilabas ng DOJ para atasan ang BI na maghigpit at bantayan ang mga nabanggit upang hindi makalabas ng bansa.

Kinumpirma rin ni Tansingco na noong June 23 ay naharang ng BI ang tangka ng 1 babaeng Chinese na kasama sa ILBO.

Sinubukan umano ng dayuhan na lumipad papuntang Jinjiang, China sa pamamagitan ng Davao International Airport.

More in National News

Latest News

To Top