Connect with us

Mayor Baste, pinalagan ang labis na presensya ng mga pulis sa labas ng KOJC

Mayor Baste, pinalagan ang labis na presensya ng mga pulis sa labas ng KOJC

Metro News

Mayor Baste, pinalagan ang labis na presensya ng mga pulis sa labas ng KOJC

Mapa umaga, tanghali, hapon, gabi at kahit hatinggabi—ganyan katindi ang presensya ng mga pulis sa labas ng religious compound ng the Kingdom of Jesus Christ sa Davao City.

Police visibility lang daw ang sadya ng mga pulis.

Pero, kapuna-puna ang lapit ng kanilang checkpoints sa isa’t isa na pawang nakaharap sa compound ng simbahan.

Pati mga taga PNP Highway Patrol Group, madalas na rin ang paniniket sa mga sasakyan sa labas ng compound.

Ang reklamo ng mga taga-KOJC, nakarating kay City Mayor Baste Duterte.

“Ako, nag-deklara man kog war on drugs. Nga as it would be figuratively or literally pero ingon ko mag-declare ta ana pero mas serious na siya na problema gyud kung i-compare nimo sa unsa man gyud ang gina-accuse nila of Pastor Quiboloy.” (“Ako, nagdeklara ng digmaan laban sa droga. Figuratively o literally man, sinabi kong magdedeklara tayo nito pero mas seryoso itong problema kumpara sa mga akusasyon laban kay Pastor Quiboloy.”) ani Baste.

Kinuwestyon ni Mayor Duterte ang labis na presensya ng mga pulis sa labas ng simbahan — ang lugar na biktima ng pang-aabuso ng mga pulis noong June 10,2024 kung saan naganap ang marahas na paghahanap kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

“And it does not directly affect the lives of individual Filipinos or Davaoenyos only. Unya karon sige silag kalas ug oras diha nga wala manay hinungdan.” (At hindi naman direktang naaapektuhan nito ang buhay ng mga indibidwal na Pilipino o mga taga-Davao lang. Pero ngayon, patuloy silang nagsasayang ng oras doon sa mga wala namang kabuluhan.)

Aniya pa, “Inefficient, unang-una sa tanan unya grave abuse of authority gyud.” (Inefficient, unang-una sa lahat at talagang grave abuse of authority.)

Nagulo ngayon ang dating tahimik na buhay ng mga manggagawa ng KOJC sa kanilang Davao Compound.

At nangakong patuloy na babantayan ang ari-arian ng simbahan.

Nangako naman ng suporta si Mayor Baste sa mga taga-KOJC kasabay ng pag-asang matatapos na sa lalong madaling panahon ang dinadaanang panggigipit sa Marcos Jr. administration.

Pinalagan din nito ang labis na presensya ng mga pulis sa labas ng KOJC Compound sa Davao City, “Ako mas more on they are hilarious. Kataw-anan na ilang ginabuhat na ingon ana sila ka immature. Gihimo nilag playground na buhaton nila unsay ilang gusto even without referring to the law. Pareha adtong ginabuhat sa atoa.”
(Para sa akin, nakakatawa ang ginagawa nila. Nakakatawa na ginagawa nila iyon, parang napaka-immature at wala sa lugar… Ginawa nilang playground kung saan ginagawa nila ang gusto nila kahit hindi tumutukoy sa batas. Parang yung ginagawa sa atin.)

 

More in Metro News

Latest News

To Top