Connect with us

Mayor Inday Sara Duterte, pinalalahanan ang mga magulang na sanayin ang mga bata sa pagsunod sa health protocols

Mayor Inday Sara Duterte, pinalalahanan ang mga magulang na sanayin ang mga bata sa pagsunod sa health protocols

National News

Mayor Inday Sara Duterte, pinalalahanan ang mga magulang na sanayin ang mga bata sa pagsunod sa health protocols

Pinaalalahanan ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte ang mga magulang na tyakin na ang kanilang mga anak ay matutong sumunod sa health protocols kontra COVID-19.

Ayon kay Mayor Inday, kung ano ang ipinapatupad na minimum public health standard sa mga magulang ay gayun ang i-aaplay sa mga bata lalot yaong hindi pa nakakatanggap ng anti-COVID vaccines.

Ani Mayor Inday,napansin ng Davao City COVID-19 Task Force na karamihan sa mga bata ay hindi tama ang pagsusuot ng face mask sa mga matataong lugar.

Subalit nilinaw ng alkalde na exempted naman sa pagsusuot ng mask ang mga sanggol dahil maaari anya nila itong ika-suffocate.

Giit ng alkalde, kailangang sa bahay pa lang ay turuan na ng mga magulang ang mga bata kung ano ang pandemic, ano ang COVID-19 upang paglabas umano nila sa mga pampublikong lugar ay sanay na sila sa pagsusuot ng face mask.

Dagdag pa ni Mayor Inday, mainam din ito para sa mga bata bilang paghahanda sa nalalapit na implementasyon ng face-to-face classes

 

 

More in National News

Latest News

To Top