National News
Mayor Joy Belmonte, sinampahan ng kaso sa Ombudsman ng umano’y dati nitong mga troll
Abril 6, nitong nakaraang linggo ng magsampa ng kaso sa Ombudsman sina Lisle at Eleanor.
Malversation at graft ang kanilang reklamo laban kay
Para sa complainants, hindi umano tama ang pagbabayad sa kanila ng City Government matapos silang magtrabaho ng ilang buwan sa Quezon City Against Corruption (QCAC).
Batay sa kanila, affiliated ng City Legal Office ang QCAC.
At bilang patunay, naka-attached sa kanilang reklamo ang certificate of performance na magpapatunay na sa sila ay sumasahod mula sa city government.
“Ako po pahirapan, kasi kailangan ko pong magpunta doon sa Office of the Mayor para makipag-haggle doon sa salary ko kasi I’m expecting for 6 months eh. Ang nabigay lang kasi nila sa akin 3 months,” ani Maria Lisle Guevarra, complainant
“Actually, naniwala ako sa kanya kasi nga ang sinasabi niya meron kaming Department sa City Hall which is under kami ng legal department ng Quezon City Hall. Tapos po pinangakuhan niya kami na susuweldo sa mga gagawin namin so trabaho talaga yung pinasok namin,” ani Eleanor Torralba, complainant.
Natitiyak naman ng mga complainant na tumatanggap ng pondo ang QCAC mula sa City Government kaya bakit raw ganoon ang nangyari sa kanila.
Samantala, inamin naman ng mga complainant na walang kaugnayan sa anti-corruption activities ang kanilang naging trabaho sa QCAC.
Sa halip, ginawa umano silang troll ni Mayor Belmonte.
“Pinagbenta po kaming ticket yung ticket for Britney for a cause tapos ginawa kaming Keyboard warrior,
“Ang dami niyang basher talaga nu’n. So kada post niya sa social media, kami naman yung taga sagot,” dagdag pa ni Guevarra.
Kabilang din sa respondents sa kaso si City Atty. Paolo Casimiro at ang chairman ng QCAC na si John Paul Orate.
“Actually kay Mayor, dapat ano po eh makinig po kayo sa maliit na tao. Kasi hindi ko siya binay-pass, binigyan ko siya ng awareness regarding doon sa tao niya na si Janno Orate. Ganon din po kay Atty. Casimiro. Awareness po. Need po namin ng pagkilos, ng pandinig niyo sa amin pero binalewala niyo po kami kaya eto po kami ngayon,” saad ni Toralba.
Sa ngayon ay wala pang komento ang kampo ni Mayor Belmonte ngunit nauna na umanong pinagsabihan ang mga complainant na itinatanggi ng City government na may kaugnayan sa kanila ang QCAC.
Lumapit na daw sila noon sa Mayora para idulog ang kanilang sitwasyon ngunit wala pa ring nangyari.
Mananatiling bukas ang SMNI News sa panig dito ni Mayor Belmonte at ang kanilang paliwanag sa isyu.