Connect with us

Mayor Sara Duterte, nilinaw na hindi nangangalap ng pondo para sa presidential election

PRESIDENT Rodrigo Roa “Digong” Duterte (PRRD) was still not in favor of his daughter Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio to run for president in the 2022 elections.

National News

Mayor Sara Duterte, nilinaw na hindi nangangalap ng pondo para sa presidential election

Binalaan ni Davao City Mayor Sara Duterte ang publiko laban sa mga gumagamit ng kanyang pangalan, upang makalikom ng pera na gagamitin umano sa kanyang presidential campaign.

Ayon kay Mayor Duterte, nakarating sa kanyang tanggapan ang report na may ilang tao na humihingi ng pera mula sa mga tao at iba’t- ibang mga grupo kabilang na ang mga negosyante para pondohan umano ang campaign funds nito para sa pagtakbo sa darating na presidential elections sa susunod na taon.

“Nakarating po sa akin ang balita na may mga indibidwal ka humihingi ngayon ng pera mula sa ibang tao at iba’t-ibang grupo, kabilang na diyan ang mga negosyante, para daw gamitin na campaign fund sa aking pagtakbo bilang presidente.”

Pagdidiin ng alkalde, isa itong scam at magagamit lamang umano ang perang malilikom rito para sa personal na interes ng mga nasa likod nito.

“Wala po itong pahintulot mula sa akin. Huwag po kayong maniwala. Huwag po kayong magbigay. Ito po ay scam o uri ng panloloko.”

“Magagamit lang ang perang malilikom sa fundraising na ito sa mga pansariling interes ng mga taong nasa likod nito. Inuulit ko po — huwag po kayong magbigay ng pera.”

Samantala, hinimok naman nito ang publiko na agad na ireport ang ganitong kalakaran, sa mga awtoridad.

Matatandaan  na nanguna si Mayor Sara sa mga survey para sa presidential bets sa darating na eleksyon ngunit naki-usap rin ito na tanggalin ang kanyang pangalan sa kanilang mga survey dahil sa ngayon ay wala pa sa isip nito ang pagtakbo para sa nalalapit na halalan, at nasa kinakaharap parin na pandemya ang focus nito, lalo pa’t patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dito sa Davao City.

More in National News

Latest News

To Top