Connect with us

Media franchise, hindi dapat ginagamit na sandata laban sa pamahalaan – Rep. Remulla

Media franchise, hindi dapat ginagamit na sandata laban sa pamahalaan – Rep. Remulla

National News

Media franchise, hindi dapat ginagamit na sandata laban sa pamahalaan – Rep. Remulla

Ipinaliwanag ni Cavite Rep. Boying Remulla ang kahalagahan ng responsableng paggamit media franchise.

Reaksyon niya ito sa kinalabasan ng ABS-CBN franchise hearings kung saan binasura ng Kongreso ang hiling ng dating network giant na magkaroon ng panibagong 25-year franchise.

Sa one-on-one interview sa SMNI Exclusive kasama ang Honorary Chairman na si Rev. Dr. Pastor Apollo C. Quiboloy, inilahad ni Remulla kung paano gagamitin ang prangkisang ipinagkakaloob ng pamahalaan.

“A franchise is a privilege pero ginagamit po yung prangkisa as a weapon against the government a culture and a people. They were already dictating our culture and it was not good for the people. Hindi na ho maganda ang lumalabas and ofcourse the abuses were there,” ani Cong. Remulla.

Diin pa ni Remulla, abuse of privilege ang ginawa ng ABS-CBN kaya kailangang gumalaw dito ang pamahalaan.

“Ni hindi nga abuse of right eh. This is an abuse of privilege, eh privilege can be taken away anytime so we decided to file it out,” dagdag pa nito.

Samantala, sinagot naman ni Remulla ang posibilidad na umere ang news and public affairs program ng ABS-CBN sa ibang network.

Para kay Remulla, magkakaproblema na naman ang ABS-CBN kung gagawin nila ito.

“Basic premises ho ‘yan no. What you directly, you cannot do indirectly. At dito po diretso naming sinabi hindi na ho pwede ang prangkisa niyo. ‘Yang prangkisa po, it entails a certificate of public necessity and convenience eh pag ito po’y kanilang gawin siyempre meron pong problema na lalabas,” saad pa ni Remulla.

Continue Reading
You may also like...

More in National News

Latest News

To Top