Connect with us

Media, may malaking papel sa oras ng kaguluhan – Sen. Padilla

Media, may malaking papel sa oras ng kaguluhan – Sen. Padilla

National News

Media, may malaking papel sa oras ng kaguluhan – Sen. Padilla

Malaki ang papel ng media sa pagpapakalat ng impormasyon sa panahon ng posibleng tunggalian para sa paghahanda ng publiko.

Ito ang iginiit ni Sen. Robin Padilla, ang chairman ng Senate Committee on Public Information and Mass Media sa ginawang consultative meeting sa Senado na dinaluhan ng ilang government agencies at ng mga media outlet nitong Miyerkules, Abril 24, 2024.

Ayon sa senador, daan ang media upang ipaabot ang hakbang ng gobyerno para sa taumbayan.

Kailangan ding maramdaman ng mga Pilipino na may gobyernong kanilang masasandalan sa panahon ng kalamidad o maging sa giyera man.

Hiniling din nito sa mga media outlet na sanay kapayapaan ang mensahe parin nito sa mamamamyan kahit nasa panahon na ng kaguluhan.

Samantala, balak ni Padilla na pulungin naman ang kinatawan ng social media outlets, matapos iginiit ng mga dumalo sa pagdinig na kailangang pigilan ang ilang social media personalities sa pagkalat ng hindi beripikado o “exaggerated” na impormasyon at para na ring humanda laban sa panibagong banta tulad ng deep fakes.

More in National News

Latest News

To Top