Connect with us

Medical educators sa Pinas, sasailalim sa training kasama ang Australia

Medical educators sa Pinas, sasailalim sa training kasama ang Australia

National News

Medical educators sa Pinas, sasailalim sa training kasama ang Australia

Sasailalim sa isang world-class training sa pamamagitan ng simulation-based medical education ang maraming Pinoy medical educators.

Inanunsyo ito ng Commission on Higher Education (CHED) ngayong pinalakas nila ang kanilang ugnayan sa pagitan ng University of Adelaide sa Australia.

Layunin ng kolaborasyon ang paunlarin ang kakayahan ng medical educators sa bansa gamit ang makabagong simulation technologies ng ibang bansa.

Kabilang sa mga teknolohiyang gagamitin sa training ay high-fidelity manikins, virtual reality systems, at standardized patients.

More in National News

Latest News

To Top