Metro News
Meralco, may bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ngayong Marso
May bahagyang pagtaas sa singil sa kuryente ang MERALCO ngayong buwan ng Marso.
Sa abiso ng MERALCO, nasa P0.0278 kada kilowatt hour ang itataas sa kanilang singil.
Katumbas ito ng P5.60 na dagdag bayarin sa mga kumukunsumo ng 200 kilowatt hour; P8.40 sa mga kumukunsumo ng 300 kilowatt hour; P11.20 sa mga kumukunsumo ng 400 kilowatt hour at P14 sa mga kumukunsomo ng 500 kilowatt hour.
Ang dagdag-singil ay bunsod ng pagmahal ng halaga ng kuryente sa spot market.`
Nasa P0.18/kwh ang itinaas sa generation at transmission charge pero dahil sa utos ng Energy Regulatory Commission (ERC) na refund, natapyasan ito kaya naging P0.0278/kwh na lang.