Connect with us

Meralco, may nakaambang bawas-singil sa kuryente ngayong Setyembre

Meralco, bawas-singil sa kuryente

National News

Meralco, may nakaambang bawas-singil sa kuryente ngayong Setyembre

MAGANDANG balita, may nakaambang bawas-singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco) ngayong Setyembre.

Ayon kay Meralco Spokesperson Joe Zaldarriaga, maglalaro sa 15 centavos hanggang 20 centavos ang magiging bawas sa overall rate.

Sinabi ni Larry Fernandez, head ng utility economics ng Meralco na bunsod ito ng maayos na suplay ng kuryente at pasok din umano sa September Bill ang refund na iniutos ng energy regulatory commission kaugnay ng sobrang nasingil sa mga konsumer.

I-aanunsyo naman ng Meralco ang eksaktong halaga ng kanilang bawas-singil sa Lunes.

Sakaling matuloy, ito na ang ikalimang sunod na buwang may bawas-singil sa kuryente ang Meralco.

DZAR1026

More in National News

Latest News

To Top