National News
Meralco, tiniyak na nakahanda sa anumang power outage
Nakahanda ang Manila Electric Company (Meralco) na tugunan sakaling magkaroon ng power outage dahil sa hanging habagat.
Tiniyak na ni Meralco Vice President at Head of Corporate Communications Joe Zaldarriaga na may nakalatag na sila na hakbang para sa magiging epekto ng malakas na mga pag-ulan dahil sa bagyo at hanging habagat.
Maaari namang makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan sa pamamagitan ng kanilang official social media pages sa Facebook at Twitter.
Maaari ring mag-text sa 0920-9716211 at 0917-5516211 o tumawag sa Meralco hotline na 16211 at 8631-1111.
