Metro News
Metro Manila Council, magsasagawa ng info drive hinggil sa mpox
Magsasagawa ang Metro Manila Council (MMC) ng malawakang information campaign hinggil sa mpox.
Ayon kay MMC President at San Juan City Mayor Francis Zamora, mainam na kasama sa information campaign ang mismong tungkulin ng mga lokal na pamahalaan para labanan ito.
Maliban pa ito sa pamamahagi ng impormasyon sa publiko kung ano ang mga dapat gawin upang maiwasan ang paglaganap ng sakit.
Mula sa 15 na total active mpox cases, nasa 11 ang matatagpuan sa Metro Manila.
Madalas na pasyente ay nasa pagitan ng 26-41 taong gulang.