Metro News
Metro Manila, magkakaroon ng checkpoints laban sa ASF
Magkakaroon pa ng mas maraming checkpoints sa Metro Manila.
Ito’y para maharang ang anumang delivery ng pork products na posibleng kontaminado ng African Swine Fever (ASF).
Ayon sa Bureau of Animal Industry (BAI), matatagpuan ang mga checkpoint sa Manila, Quezon City, Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela.
Ang mga nabanggit na lugar ay pass-through points ng mga shipment ng hog at pork products.