National News
Mga anak ng mag-asawang nagpositibo sa COVID-19, isinailalim na sa quarantine
Agad isinailalim sa quarantine ang 4 na anak ng mag-asawang nagpositibo sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Cainta Mayor Kit Nieto, binisita na ng mga health officials ang bahay ng mag-asawa.
Ito ay matapos na kumpirmahin ng Department of Health (DOH) ang ika-anim na kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sinabi ni Nieto na binigyan ng lokal na pamahalaan ng protective equipment ang mga kapitbahay ng naturang mag-asawa.