Connect with us

Mga anak ni FPRRD, naghain ng habeas corpus petition sa SC

Mga anak ni FPRRD, naghain ng habeas corpus petition sa SC

National News

Mga anak ni FPRRD, naghain ng habeas corpus petition sa SC

Naghain ng petisyon sa Korte Suprema ang magkapatid na sina Davao City Mayor Sebastian Duterte at Veronica Duterte para sa habeas corpus ng kanilang ama, si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasunod ng ilegal na pag-aresto at paglipad ng kanilang ama patungong The Hague, Netherlands.

Kumilos na rin ang mga anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte para agad siyang maibalik sa Pilipinas at mapalaya.

Sa pamamagitan ng kanilang mga abogado na sina Atty. Salvador Panelo at Atty. Salvador Paulo Duterte, pormal nilang inihain ang habeas corpus petition at hiling nila ang agarang aksyon laban sa illegal detention ng kanilang ama.

Ayon sa kampo ng dating Pangulo, walang hurisdiksyon ang International Criminal Court (ICC) sa Pilipinas dahil maayos na gumagana ang justice system ng ating bansa, at hindi nasunod ang tamang legal na proseso sa ginawang extradition.

Ayon sa mga anak ng dating Pangulo, hindi sinunod ang legal na proseso sa kanilang ama na pwersahang inilipad patungong The Hague, Netherlands.

Kung kakatigan ng Korte Suprema ang petisyon, obligadong ipresenta ng gobyerno ang dating Pangulo sa korte sa itinakdang araw, oras, at petsa.

Samantala, lumipad na rin patungong The Hague ang iba pang anak ng dating Pangulo na sina Cong. Paolo “Pulong” Duterte at Vice President Sara Duterte.

More in National News

Latest News

To Top