Connect with us

Mga apektado ng baha sa Malabon, makakatanggap ng gamot sa medical mission

Mga apektado ng baha sa Malabon, makakatanggap ng gamot sa medical mission

National News

Mga apektado ng baha sa Malabon, makakatanggap ng gamot sa medical mission

Agad na isinalang sa libreng health consultation at check-up ang mga residente na apektado ng pagbaha dahil sa nasirang flood gate sa Malabon City.

Pinangunahan ng city health department ang medical mission na inilunsad upang masiguro ang kaligtasan ng mga residente laban sa mga sakit na nakukuha sa baha tulad ng leptospirosis, dengue at sakit sa balat.

Bukod sa medical consultation at check up ay mamahagi rin ng libreng gamot laban sa leptospirosis at spray sa lamok.

Samantala, patuloy naman ang pakikipag-ugnayan ng lokal na pamahalaan ng Malabon at Navotas sa Metro Manila Development Authority (MMDA) upang makumpuni agad ang nasirang navigational flood gate dahil sa pagbangga ng  isang barge.

More in National News

Latest News

To Top