Regional
Mga armas, isinurender ng Maguindanao del Sur LGUs sa militar
Aabot sa halos 40 armas ang itinurn-over ng mga opisyal sa otoridad mula sa mga bayan ng Shariff Aguak, Data Abdullah Sangki, Sultan sa Barongis, Mamasapano at Rajah Buayan sa Maguindanao del Sur.
Ang naturang hakbang ng mga nabanggit na lokal na pamahalaan ay upang mapigilan ang paglaganap ng loose firearms sa Bangsamoro Region at bilang pagsuporta na rin sa programa ng gobyerno na “Balik Baril Program.”
Ang nabanggit na mga armas ay isinuko ng mga nasabing lokal na pamahalaan sa tropa ng 33rd Infantry Battalion Headquarters sa Brgy. Zapakan, Rajah Buayan, Maguindanao del Sur nitong Setyembre 20, 2024.
Samantala, aabot naman sa 63 miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF ang sumuko at nagbalik-loob sa pamahalaan.
Ito ang naging resulta ng mga hakbang at mga inisyatiba ng tropa ng Eastern Mindanao Command sa pakikipagtulungan ng mga lokal na pamahalaan.
Kasama din na isinuko ng mga dating rebelde ang 12 armas at isang anti-personnel mine (APM) habang ang 10th Infantry Division ay inalalayan ang pagsuko ng halos 50 dating rebelde kasama ang 7 armas.