Connect with us

Mga atletang sundalo na nag-uwi ng medalya sa SEA Games at nakapasa sa Bar exam, pinarangalan

Mga atletang sundalo na nag-uwi ng medalya sa SEA Games at nakapasa sa Bar exam, pinarangalan

National News

Mga atletang sundalo na nag-uwi ng medalya sa SEA Games at nakapasa sa Bar exam, pinarangalan

Binigyan ng pagkilala ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang 74 na opisyal ng militar, enlisted personnels at civilian human resources na nag-uwi ng medalya sa 31st South East Asian (SEA) Games at nakapasa sa nagdaang bar exam.

Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang isang seremonya na ginanap sa AFP General Headquarters, kung saan ginawaran ng outstanding achievement medal ang mga nakakuha ng gold medals sa SEA Games.

Kabilang sa mga nakatanggap ng parangal sina Staff Sergeant Hidilyn Diaz, Airman Second Class Eumir Felix Marcial, Seaman 2nd class Phillip Delarmino, Private First Class Janine Pontejos, Private First-Class France Mae Cabinbin, Apprentice Seaman Ian Clark Bautista, Apprentice Seaman Clinton Kingsley Bautista, Apprentice Seaman Marizze Andrea Tongco at ASDP Afril Bernardino.

Pinagkalooban naman ng meritorious achievement medal ang mga nakasungkit ng silver at bronze medals sa sea games at military merit medal sa kanilang mga coach.

Habang plaque of recognition naman ang ibinigay para sa mga tauhan ng AFP na nakapasa sa bar exam.

Sinabi ni General Centino na ang pagpupursige ng kanilang tauhan ang nagdala sa kanilang pinapangarap na tagumpay at karangalan para sa bansa.

 

More in National News

Latest News

To Top