Connect with us

Mga bagong halal na opisyal ng bansa, dapat suportahan – Pastor Quiboloy

National News

Mga bagong halal na opisyal ng bansa, dapat suportahan – Pastor Quiboloy

Nananawagan si Pastor Apollo C. Quiboloy ng The Kingdom of Jesus Christ sa sambayanang Pilipino na magkaisa at suportahan ang mga nanalong opisyal ng bansa — kahit ano man ang partido nito.

Ito ang isa sa mga naging mensahe ni Pastor Apollo, na siya ring honorary chairman ng Sonshine Media Network International (SMNI) sa programa nitong Sounds of Worship nitong Linggo.

Dagdag ng butihing Pastor na matapos ang kumpetisyon sa nagdaang eleksyon ay panahon na upang magkaisa ang lahat at kung magra-rally man ay rally ito para sa pagkakaisa, lalong-lalo na sa pagsuporta sa mga bagong opisyal ng bansa.

“We will rally not to divide. We will rally to unite. Okay? Because we have only one Philippines. We only have one constitution,” wika ni Pastor Apollo.

“Diyan, diyan tayo mag-rally, rally behind our new elected leader, rally behind those that we have elected to different positions from the chief executive, president, vice president, the senators, congressmen, mayors, governors, that we have elected counselors, we will really behind them, this is the true meaning of the democracy,” dagdag ng butihing Pastor.

Ipinunto rin ni Pastor Apollo sa mensahe nito ang totoong kahulugan ng mature democracy, na nangangahulugan ng pagkakaisa ng bawat Pilipino, matapos pagkakabaha-bahagi ng mga ito, nitong nagdaang eleksyon.

“But once the people have already elected the leaders, forget everything and rally behind in one united front for our beloved country. That is the essence of true mature democracy,” ayon sa butihing Pastor.

“We do not practice immature democracy. What is immature democracy? Immature democracy is when you are defeated in a contest but you cry. Because you cannot accept defeat,” ayon pa kay Pastor Apollo.

Samantala, kapansin-pansin naman na nakasuot ng kulay pink si Pastor Apollo at aniya iba na ang kahulugan ng kulay pink ngayon.

Aniya, hindi na sumisimbolo ang nasabing kulay sa isang kandidato o partido, bagkus ito na ngayon ay kulay ng pag-ibig, pagkakaisa, pagkahabag, at pagtanggap.

Nagpapasalamat naman si Pastor Apollo, dahil mula sa ignorant democracy—ay namulat na ngayon ang mga Pilipino sa intelligent democracy na nagbigay–daan sa pagpili at pagluklok ng mga karapat-dapat na opisyal ng pamahalaan na kayang pangunahan ang bansa patungo sa maganda at maunlad na kinabukasan.

More in National News

Latest News

To Top