Connect with us

Mga beach at Kapurpurawan Rock Formation sa Ilocos Norte, paboritong puntahan ng mga turista

Mga beach at Kapurpurawan Rock Formation sa Ilocos Norte, paboritong puntahan ng mga turista

Regional

Mga beach at Kapurpurawan Rock Formation sa Ilocos Norte, paboritong puntahan ng mga turista

Kilala bilang ‘Boracay of the North’ ang mga beach sa Pagudpud, Ilocos Norte.

Tampok sa mga beach na dinarayo ng mga turista sa Pagudpud, Ilocos Norte ay ang Blue Lagoon at Saud Municipal Beach.

Dahil sa malinis at malinaw na parang kristal ang mga tubig sa dagat na mula sa west Philippine Sea.

Sa katunayan kung matatandaan kinilala ang Saud Beach bilang isa sa 25 na pinakamagagandang beach sa mundo ng magazine Travel + Leisure na nakabase sa New York City.

Ang Pagudpud ay isa ring napakasikat na surfing site.

Samantala, pinuntahan din ng SMNI Newsteam ang Kapurpurawan rock formations na matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte.

Ang lugar ay pangunahing nasa listahan na puntahan ng mga turista dahil sa kakaibang pormasyon ng mga bato na gawa ng kalikasan.

Ang mga pormasyon ng bato sa Kapurpurawan ay nalikha sa malaking bahagi ng mga natural na puwersa gaya ng lakas ng hangin, mga alon ng karagatan, at mga pagtaas ng tubig.

More in Regional

Latest News

To Top