National News
Mga benepisyong nakuha ng dating pulis na nanutok ng baril, pinababawi na ng PNP
“We are, as part of our procedure we are already preparing the demand letter for a patrolman Gonzales to return the money, yes we are taking initial action for the recovery of the said payment of his pension,” ayon kay PNP-Retirement and Benefits Administration Service, Director, PBGen. Niño David Rabaya.
Ayon sa demand letter na ito, tiniyak ng PNP Directorate for Police Service na mababawi ng ahensiya ang lahat ng retirement benefits na nakuha ng 63 anyos na Wilfredo Gonzales, ang kontrobersiyal na dating pulis na nanutok ng baril sa isang siklista sa Quezon City na nag-viral kamakailan.
Batay sa rekord, taong 2016 nang magretiro si Gonzales sa serbisyo at tumanggap ito ng buwanang pensiyon hanggang taong 2018 bago desisyunan ang dismissal order nito dahil sa ilang mga reklamo at kasong kinasasangkutan nito habang siya ay nasa serbisyo pa.
Napag-alamang, may kaso pang nakabinbin si Gonzales sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City na hindi naibibigay bago ito tuluyang na-dismiss sa serbisyo noong 2018.
Dagdag pa rito, laging nairereklamo si Gonzales sa kanilang barangay sa Quirino 3-A sa Quezon City kaugnay ng diumano ay pakikipag-away at pambu-bully.
“He was able to receive his cull which is actually intitled talaga siya doon ‘yung its just basically the terminal leave. Nakatanggap din siya ng 3-year lump sum pension po, starting to 2016 upto 2019 but when we receive the dismissal order with the PRVS was able to receive the dismissal order. His monthly pension was supposed to start in 2019 was not anymore activated. So, basically he’s not anymore receiving any pension from us,” Dagdag pa nito.
At sakaling hindi makipagtulungan si Gonzales sa pulisya?
“We will taking a civil action against him, we have already referred this or legal then a civil absolve and the taking against him if he refuse to return the amount,” ani Rabaya.
Sa ngayon, tinanggal na ito sa pinagta-trabahuhan sa opisina ni Associate Justice Ricardo Rosario ng Korte Suprema.
Kasabay ng pagkondena ng tanggapan nito sa inasal na karahasan ni Gonzaels.
Sinuspinde rin ng Land Transportation Office (LTO) ang lisensya ni Gonzales sa pagmamaneho sa loob ng 90 araw habang iniimbestigahan ng ahensiya ang kaso nito.
Tinanggalan na rin ng lisensya ang baril ni Gonzales, maging ang permit to carry firearm nito sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine National Police (PNP) Firearms and Explosives Office kasama na rin ang pagkumpiska sa 4 na baril ni Gonzales.
Samantala, sinagot naman ng PNP ang tila masasakit na pananalita na tinatanggap ng mga kapulisan sa Kamara at Senado sa mga pagdinig na ginagawa ng mga senador dahil sa kinasasangkutan nitong kontrobersiya.
“With regards sa nababastos tayo, talagang nasasaktan din ako as the father of the chief PNP, kung pwede lang maiwasan ito or pwedeng kumbaga makumbinse ang ating senator in other way but you knoe there are separate branch that we cannot impose upon them and also we cannot impose respect, respect is something we need to earn that’s why dapat ang ating kapulisan magkaisa. We have to show to our legislators that we deserve their respect and we can only do that by doing things in a proper way, by doing things in a professional way by following the rule of law,” ayon naman kay PNP, PGen. Benjamin Acorda Jr.
