National News
Mga biktima ng bagyong Enteng, unahing tulungan– VP Sara
Hinihikayat ngayon ni Vice President Sara Duterte ang kanyang supporters na magbigay donasyon para sa mga biktima ng bagyong Enteng.
Aniya, mas mainam na dito ibigay ang plano nilang donasyon imbis na dagdagan ang budget sana ng Office of the Vice President (OVP).
Sa impormasyon, nagpahayag ng planong pagtulong ang supporters ni VP Sara dahil hindi pa naaprubahan ang pondo ng OVP hanggang ngayon.
Kaugnay nito ay sinabi na rin ng pangalawang pangulo na mananatili silang tapat sa kanilang tungkulin para sa bansa.