National News
Mga biktima ng Bulkang Kanlaon, mabibigyan ng ₱203.88M na tulong
Inaprubahan na ang karagdagang ₱203.88-M na tulong para sa mga apektado ng pagputok ng Bulkang Kanlaon.
Ayon sa Office of Civil Defense (OCD), ang mga pondo ay direktang ibababa sa mga apektadong lokal na pamahalaan.
Kabilang sa mga makatatanggap ng tulong ay ang Himamaylan na may ₱62.54-M; La Carlota City na may ₱63-M; La Castellana na may ₱48.5-M; at Canlaon City na may ₱29.72-M.
Ang ₱203.88-M na karagdagang tulong para sa mga biktima ng Kanlaon ay magmumula sa ₱20-B pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).
