National News
Mga biniling PPE ng DBM sa China, nakatakdang dumating sa bansa sa Mayo
Nakatakdang dumating sa bansa sa susunod na buwan ang mga personal protective equipment (PPE) na binili ng Pilipinas sa bansang China.
Ito ang kinumpirma ng Philippine Navy matapos na dumating sa Xiamen, China ang BRP Bacolod City na isang logistics support vessel noong Sabado.
Ayon sa Philippine Navy ang BRP Bacolod City ang sasakyan ng 33 container vans na naglalaman ng higit 23,000 kahon ng PPEs na binili ng Department of Budget and Management para sa patuloy na paglaban sa banta ng sa bansa.
Matatandaang binatikos ang pamahalaan sa pagkabigo nitong matugunan ang kakulangan ng PPE ng mga health workers na pangunahing humaharap sa naturang sakit.
Una namang sinabi ng DOH na may global shortage ng mga ppes dulot ng lumalaganap ng COVID-19.