Connect with us

Mga biyaherong papasok sa bansang Israel, isasailalim sa 14-days quarantine

Mga biyaherong papasok sa bansang Israel, isasailalim sa 14-days quarantine

International News

Mga biyaherong papasok sa bansang Israel, isasailalim sa 14-days quarantine

Isasailalim sa 2 linggo o 14 na araw na quarantine ang lahat ng mga biyaherong papasok sa bansang Israel.

Ito ang inihayag ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu matapos ang naging pulong nito sa iba pang opisyal ng bansa kaugnay sa banta ng Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Sa isang video post sa Twitter ni Netanyahu, bagama’t mabigat sa kanyang kalooban ang naturang desisyon ay kailangan itong ipatupad para sa kaligtasan ng nakararami.

Sa ilalim ng kautusan, ang lahat ng Israeli na babalik sa bansa ay kailangang sumailalim sa 14-day quarantine

Habang ang mga non-Israeli naman ay kailangang patunayan na kaya nilang sumailalaim sa self-quarantine.

Sa ngayon, nasa 50 na ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan isa rito ay nasa kritikal na kondisyon

More in International News

Latest News

To Top