Connect with us

Mga Build Build Build projects sa Luzon, nababalam ang completion dahil sa COVID- 19

Mga Build Build Build projects sa Luzon, nababalam ang completion dahil sa COVID- 19

National News

Mga Build Build Build projects sa Luzon, nababalam ang completion dahil sa COVID- 19

Iginiit ni CWS Party-list Rep. Romeo Momo na medyo malaki na ang epekto ng Coronavirus Disease 2019 (COVID- 19) pandemic sa mga Build Build Build projects lalo na sa Luzon.Build, Build, Build' at halfway point - DPWH chief VillarAyon kay Momo na dating undersecretary ng Department of Public Works and Highways (DPWH), kung ang targeted completion ng proyekto kada buwan ay 10%, nasa 10- 15% nang delay ang konstruksyon.Giit ni Momo na hindi maaring magpatupad ng skeletal force sa larangan ng construction kaya tigil operasyon ang mga project contractor.

“Sa construction hindi pwedeng skeletal force, it’s a team effort,” dagdag ni Momo.

Malaki rin aniya ang factor ng supply chain ng mga construction materials dahil mula sa factory, sa shipment at sa mga pantalan ay apektado rin dahil sa epekto ng COVID-19 sa world trading.

Ilan sa mga big ticket projects na apektado ngayon dahil sa Luzon wide lockdown ay ang MRT- 7 project at ang Metro Manila Subway at ilang mga skyway projects.

“Hindi pa masyado, dahil Luzon lang naman ang lockdown. Visayas at Mindnao tuloy pa naman ang trabaho, problema lang, palapit na rin ang rainy season. Medyo makakaapekto ito sa Luzon if we are catching up,” wika ng kongresista.

More in National News

Latest News

To Top