Connect with us

Mga carving master ng Quanzhou City sa China, ipinamalas ang kanilang galing sa pag-ukit

Mga carving master ng Quanzhou City sa China, ipinamalas ang kanilang galing sa pag-ukit

International News

Mga carving master ng Quanzhou City sa China, ipinamalas ang kanilang galing sa pag-ukit

Mabibighani ka sa yaman at ganda ng kultura at kasaysayan ng Quanzhou City sa Fujian Province, China bilang isa sa pinakamahalagang port city sa Maritime Silk Road.

Kaya hindi makakaila na kinilala ng UNESCO World Heritage Committee ang Quanzhou bilang isang world heritage site.

At pagsapit ng gabi, kakaibang cultural experience ang hatid ng Quanzhou sa mga lokal at dayuhang turista.

July 25, 2021, ng kinilala ng UNESCO World Heritage Committee ang Quanzhou bilang isang world heritage site. At ngayong ikalawang anibersaryo, binuksan ang lugar na ito na tampok ang iba’t ibang produkto noong Song at Yuan Dynasty.

Dito ipinamalas ng mga carving master ang kanilang kasanayan sa pag-ukit sa kahoy, bato, porselana at ladrilyo.

“All kind of Quanzhou masters, they dedicated long long time to make these skills, the craftmanship. They are dated back to like Song and Yuan dynasty, like thousand of years. They passed down from generation to generation,” ayon kay Quanzhou Maritime Silk Road International Communication Center, Anchor, Wendy Wu.

Ang Quanzhou ang isa sa pinakamalaki at pinaka-abalang daungan sa mundo noong Song at Yuan dynasty.

Naging isang mahalagang exchange hub ang lungsod para sa iba’t ibang sibilisasyon, relihiyon at produkto.

Nandito tayo ngayon sa labas ng Confucius Temple dito sa Quanzhou sa Fujian Province sa China. At timing ang pagpunta natin dito dahil magbubukas ang kanilang night market.

Tampok pa rin sa kanilang night market ang iba’t ibang lokal na produkto ng Quanzhou.

Maaaring bumili ng tradisyunal na flower headdress na sinusuot ng kababaihan ng Xunpu village, mga wood carving, lantern, at klase-klaseng souvenirs.

Pwede mo ring maenjoy tuwing gabi ang napakayaman na Minnan culture sa Quanzhou mula sa mga pag-awit at pagtugtog ng mga instrumento hanggang sa tradisyunal na puppet show.

Samantala, ipinagmamalaki naman ng Quanzhou ang napakababang crime rate sa lungsod.

Dahil dito, ligtas at mas maeenjoy ng mga turista ang pag-iikot sa lungsod tuwing gabi.

“It’s very very safe here. Even you’re out like at 3 a.m., in the morning, it’s okay. Safe to go everywhere the whole Quanzhou,” dagdag pa nito.

Continue Reading
You may also like...

More in International News

Latest News

To Top