National News
Mga Caviteño, suportado ang buong Duter10 senatorial candidate
Kasabay ng matinding init ng panahon, ay ang init din ng suporta ng mga Caviteño sa Duter10 senatorial candidate na iniendorso ng dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Isa nga itong senyales ng patuloy na paninindigan ng masa para sa lideratong tunay nilang pinagkakatiwalaan.
Dagsa na ang mga tao dito sa Collegio De Amore para ipahayag ang kanilang suporta sa Duter10 senatorial candidate.
Umarangkada ang motorcade ni Duter10 senatorial candidate Pastor Apollo C. Quiboloy sa mga bayan ng Cavite kasama ang kanyang mga tagasuporta.
Pagkatapos mag-ikot sa mga bayan sa Cavite, nagtungo ang buong team ni senatorial candidate Quiboloy sa Trece Martires, Cavite para salubungin ang daan-daang Caviteño na nag-aabang sa kanya.
Matapos ang pag-iikot ay tumulak ang kampo ni Pastor Apollo Quiboloy patungong Trece Martires, Cavite kung saan matiyagang naghihintay ang kanyang mga tagasuporta.
Ayon sa kanila, sawang-sawa na sila sa paulit-ulit na pangako ng kasalukuyang administrasyon.
Kaya’t kahit gaano pa kalaki ang ayudang iniaalok sa kanila, hindi nito matitinag ang kanilang paninindigan na muling ibalik sa puwesto ang mga lider na anila’y totoong nagmamalasakit sa taumbayan.
Kung matatandaan, ang lalawigan ng Cavite ay balwarte ng mga Remulla at mga Revilla.
