Connect with us

Mga Chinese officials ng isang POGO hub, inireklamo ng mga kapwa Chinese

Mga Chinese Officials ng isang POGO hub, inireklamo ng mga kapwa Chinese

National News

Mga Chinese officials ng isang POGO hub, inireklamo ng mga kapwa Chinese

Personal na humarap sa Department of Justice(DOJ) ang 7 Chinese na dating empleyado ng ni-raid na Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) scam hub sa Pasay City para maghain ng mga karagdagang reklamo laban sa mga kapwa nila Chinese na opisyal ng kumpanya.

Nakasaad sa reklamo na ang pitong dayuhan ay binubugbog ng mga amo nila  sa POGO firm na Smart Web Technology Corporation.

Kaugnay niyan ay naghain na ang mga biktima ng mga reklamong forced labor o slavery laban sa mga amo nilang kapwa Chinese nationals.

Nabatid na hanggang sa kasalukuyan ay nasa bansa pa ang karamihan sa mga inireklamo habang ang iba sa mga ito ay dati nang wanted at may arrest warrant na mula sa korte.

More in National News

Latest News

To Top