Connect with us

Mga classroom, posibleng hindi na gagamitin tuwing eleksyon – Comelec

Mga classroom, posibleng hindi na gagamitin tuwing eleksyon – Comelec

National News

Mga classroom, posibleng hindi na gagamitin tuwing eleksyon – Comelec

Posibleng lilisanin na ng Commission on Elections (Comelec) ang nakagawiang pagdaraos ng eleksyon sa mga paaralan.

Sa naging pilot test ng mall-voting noong October 30 sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE), nakita ng poll body na mas convenient ang pagboto dito.

Sinabi pa ni Comelec Chairman George Garcia, walang karagdagang expenses ang pagsasagawa ng mall-voting dahil libreng ipinapagamit ito ng mga may-ari.

Nauna nang sinabi ni Department of Education (DepEd) Sec. at Vice President Sara Duterte na ang DepEd ang nagbabayad ng kuryente, tubig at maging mga sira sa mga paaralan tuwing magsasagawa ng eleksyon.

Nitong BSKE 2023, nasa 11 malls sa Metro Manila, Albay at Cebu City ang kasali sa pilot testing ng mall-voting.

More in National News

Latest News

To Top