Connect with us

Mga COVID-19 patients na na-confine sa ospital, sagot ng PhilHealth

Nais ni Marikina Rep. Stella Quimbo na paimbestigahan ang pamamahala ng pondo sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth).

COVID-19 UPDATES

Mga COVID-19 patients na na-confine sa ospital, sagot ng PhilHealth

NILINAW ngayon ng PhilHealth na sakop pa rin ng kanilang mga benepisyo ang mga pasyenteng na-confine sa ospital ng dahil sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) kahit na may kulang sila sa kanilang mga contributions.

Ipinaliwanag ni Dr. Shirley Domingo, Vice President for the Corporate Affairs Group ng PhilHealth na dahil sa probisyon ng Universal Healthcare ay lahat ng Pilipino ay otomatikong miyembro na rin ng PhilHealth.

Nangangahulugan aniya ito na kahit non-member ay pwede nang mag-avail o makinabang ng serbisyo, basta magparehistro muna bago ma-discharge ng ospital para pumasok ang record sa database ng PhilHealth.

Kaugnay nito’y tiniyak pa ni Dr. Domingo na babayaran pa rin nila ang mga ospital na may COVID-19 patients kasama na ang mga ospital na suspendido ang accreditation

Idinagdagdag pa ni Dr.Domingo na sakop din ng PhilHealth benefits ang mga COVID-19 patients na namatay habang ginagamot sa ospital.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top