Connect with us

Mga Dabawenyo, iginiit na tutol sila sa digmaan

Mga Dabawenyo, iginiit na tutol sila sa digmaan

Regional

Mga Dabawenyo, iginiit na tutol sila sa digmaan

Ilang araw bago ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos Jr., nagtipun-tipon ang mga Dabawenyo sa freedom park sa Davao City.

Iyan ay para ipaabot kay Marcos Jr. na ayaw nila ng digmaan.

Kaugnay nga ito ng sigalot sa pagitan ng Pilipinas at China sa mga pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Isa sa mga nagsalita sa Mamamayan Ayaw sa Digmaan (MAD) rally ay ang dating press attaché at isang politcal analyst na si Ado Paglinawan.

“What we are trying to bring to the public is that we are a people against war. That’s what we are invoking here. We are against war. We are Mamamayang Ayaw ng Digmaan,” ayon kay Paglinawan.

Para kay Paglinawan, kaya si Marcos Jr. ay nasangkot sa ganitong klaseng kaguluhan ay dahil nagpa-hostage ang pangulo sa isang foreign power, walang iba kundi ang Estados Unidos.

“It is because he has played hostage to a foreign power that tells us that neighbor is an enemy when actually itong foreign power na ito ang nagkokontrola ng base militar. That’s why we are mad. That is why we are angry. That’s we are voicing out our opinion for the benefit of the Filipino people,” dagdag pa nito.

Aniya wala naman talagang foreign policy si Marcos Jr. dahil sinusunod lamang niya ang utos ng Estado Unidos.

Kaya imbes nga raw na tutukan ang problema sa inflation, pagpapababa sa presyo ng mga bilihin, at mas maraming trabaho ay iba ang binibigyang prayoridad ng pangulo.

“Under this administration, hindi natin alam kung kailan siya magsisimula dahil ang inaatensyon lang niya ay kung ano ang sabihin sa kaniya ng Estado Unidos, ‘yun lang ang gagawin niya. ‘Yun lang ang priority niya. At iyan ngayon ang nagbibigay ng disturbance sa ating situation sa South China Sea,” saad pa ni Paglinawan.

Kaya sa gitna ng mga nararanasan ng bansa at ng mga Pilipino sa ilalim ni Marcos Jr., kailangan nang magsalita ng pangulo kung kaya niya pa bang pamunuan ang bansa.

“Just to answer. The president has to answer the situation. He has to make a statement, clear statement, direct to the people. Can you still handle the situation or not?” Ayon naman kay Rolando “Aziz Monk” Olamit.

Dagdag pa ni Rolando Aziz Monk Olamit, State Chairman ng MNLF Davao, kung hindi na kaya ni Marcos Jr. na maging pangulo ng bansa ay nandiyan naman ang self-appointed designated survivor para humalili sa kanya

“We have our self-proclaimed designated survivor. By law, by constitution, pwede naman iyan, mag-usap lang sila. Pwede naman [niya sabihin], “I cannot stand. I cannot do it anymore. Ok continue and serve our country.”

More in Regional

Latest News

To Top