National News
Mga dadaan sa expressways na walang RFID, pagmumultahin na
Magmumulta na ang mga motorista na papasok sa expressways na walang RFID simula Agosto 31, 2024.
Aabot ng hanggang P5K ang multa batay sa nilagdaang joint memorandum circular ng Toll Regulatory Board (TRB), Land Transportation Office (LTO) at Department of Transportation (DOTr).
Ang first offense ay katumbas ng P1K multa; P2K ang second offense; at P5K na ang susunod pang mga offense.
Ang mga papasok rin sa expressways na hindi sapat ang load balance para ibayad sa toll fee ay pagmumultahin ng P500 sa first offense; P1K sa second offense; at P2.5K para sa susunod pang mga offense.
Ang Radio Frequency Identification (RFID) technology ay madalas na ginagamit na component sa Electronic toll collection (ETC).
Isang device naman ang ETC na ginagamit sa toll gates o expressways upang mapadali ang traffic flow.