Connect with us

Mga dating rebelde sa lalawigan ng Samar, binigyan ng maayos na tirahan

Mga dating rebelde sa lalawigan ng Samar, binigyan ng maayos na tirahan

Regional

Mga dating rebelde sa lalawigan ng Samar, binigyan ng maayos na tirahan

Ang tahanan ay hindi lamang isang pisikal na istraktura kundi ito ay isang simbolo na naglalarawan ng damdamin, alaala, at pagkakakilanlan ng isang indibidwal.

Sa loob ng tahanan ang mga miyembro ng pamilya ay pinagtitibay ang pagkakaisa, lumilikha ng mga magagandang alaala na may kapayapaan.

Kaya naman isang mahalagang hakbang sa pagkamit ng kapayapaan sa lalawigan ng Samar ang ipinagdiwang at inorganisa ng pamahalaan sa nasabing probinsya.

Itoy sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabahay sa mga dating rebelde na ngayon ay kasangga na ng gobyerno laban sa mga natitirang miyembro ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF.

Ang nasabing programa ay tinawag na “Saad nga Balay” na ginanap sa San Jose De Buan, Samar na kung saan pinondohan ito ng Pamahalaang Panlalawigan ng Samar ng aabot sa P4-M.

Dumalo sa naturang seremonya sina Senador Robinhood Padilla, Commander ng 8th Infantry Division (ID) ng Philippine Army na si MGen. Camilo Ligayo, lider ng mga dating rebelde na si Tito Labong at mga opisyal mula sa Pamahalaang Panlalawigan.

Sa kanyang talumpati, binigyang diin ni Senator Padilla sa mga dating rebelde ang kahalagahan ng kanilang pangako sa pamahalaan kasabay ang pagbibigay ng garantiya sa mga ito na ang gobyerno ay palaging handa para sila ay tulungan.

Kaugnay nito, bilang tulong ay nagdagdag ng P200-K na halaga ang tanggapan ng senador para sa isang housing unit.

Namahagi din ng P10-K na ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) para sa mga benepisyaryo sa naturang lugar.

Samantala, binigyang pugay naman ng commander ng 8th ID na si MGen. Camilo Ligayo, ang naging desisyon ng mga former rebels na magbalik loob sa pamahalaan.

Sa ngayon, nasa 10 bahay na ang natapos habang patuloy pa na binubuo ang natitirang 7 iba pa.

Ang programang “Saad nga Balay” ay naglalayong suportahan ang mga dating rebelde sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng maayos na tirahan upang magbigay daan sa kanila na simulan muli ang kanilang buhay matapos sumuko sa pamahalaan.

More in Regional

Latest News

To Top