Connect with us

Mga day care at health centers, hinimok na buksan sa May 12 para sa pagboto ng mga magulang na may maliliit na anak

Mga day care at health centers, hinimok na buksan sa May 12 para sa pagboto ng mga magulang na may maliliit na anak

National News

Mga day care at health centers, hinimok na buksan sa May 12 para sa pagboto ng mga magulang na may maliliit na anak

Pinatitiyak ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa lahat ng Local Government Unit (LGU) na kung maaari ay buksan ang kani-kanilang day care at health centers sa araw ng botohan sa ika-12 ng Mayo.

Ito’y para bigyan ng kaginhawaan ang mga magulang na may bitbit na mga anak o maliliit na bata para sa maayos na pagboto ng mga ito.

Ayon kay DILG, Usec. Marlo Iringan, “Sa darating na halalan, buksan nila ang kanilang daycare center nang sa ganun puwedeng dalhin ng mga magulang ang kanilang anak doon para makaboto sila nang maayos.”

Bukod dito, magagamit rin aniya ang mga klinika para tumugon sa anumang insidenteng may kinalaman sa kalusugan sa gitna ng pagboto ng mga tao.

More in National News

Latest News

To Top