Connect with us

Mga dayuhang susuway sa ECQ, mas maiging umalis na lamang ng bansa – Palasyo

Humingi na ng paumanhin si Roque matapos kumalat ang isang video kung saan kita siyang galit habang naglalabas ng saloobin laban sa mga doktor.

National News

Mga dayuhang susuway sa ECQ, mas maiging umalis na lamang ng bansa – Palasyo

Igniit ng Malakanyang na mas maiging umalis na lamang ng Pilipinas ang mga dayuhan na nagpupumilit labagin ang umiiral na enhanced communtiy quarantine.

Sa isang press briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque na nasimulan nang imbestigahan ang patungkol sa isyu ng pagpasok ng mga pulis sa Pacific Plaza Towers Condominium sa Taguig City.

Batay aniya sa imbestigasyon, linabag ng mga dayuhan ang ECQ at tumambay pa ang mga ito sa mga common area at swimming pool ng gusali.

Kasunod nito, nagreklamo at nagsumbong sa mga pulis ang mga Pilipinong residente sa naturang building matapos balewalain ng mga dayuhan at iba pa na naroon sa building ang pinapatupad na ECQ.

Ito ang dahilan kung kaya pumasok ang mga otoridad sa nasabing condominium.

Binigyang-diin naman ni Roque na ang enhanced communtiy quarantine ay ipinapatupad sa lahat, mayaman o mahirap, Pilipino o dayuhan man.

More in National News

Latest News

To Top