Metro News
Mga ‘di pa bakunado, pagbabawalang sumakay sa mga pampublikong transportasyon – MMC
Suportado ng Department of Transportation (DoTr) ang resolusyon ng Metro Manila Council (MMC) na pansamantalang ipagbawal ang domestic travel ng mga hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Kabilang dito ang pagbabawal sa domestic travel sa pamamagitan ng pampublikong transportasyon sa lupa, dagat, o himpapawid maliban na lamang kung bibili ng essential goods o services kung saan kailangan magpakita ng patunay sa pagbiyahe.
Sakop din ng pagbawal ang mga batang edad 17-anyos pababa, senior citizens, mga buntis at person with comorbidities.
Ipatutupad ang pagbabawal habang nakasailalim sa alert level 3 ang Metro Manila.
Kaugnay nito, sinabi ng DOTR na mahigpit na makikipag-ugnayan ang ahensya at kanilang attached agencies sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa pagpapatuapad ng naturang polisiya.
