Connect with us

Mga dilawan, napahiya kaya nais buhayin ang paninira vs BBM — Gadon

Sang-ayon si Atty. Larry Gadon sa pahayag ni dating SP Juan Ponce Enrile na marami pa rin ang magkukumahog na siraan si 'Bongbong' Marcos

National News

Mga dilawan, napahiya kaya nais buhayin ang paninira vs BBM — Gadon

Sang-ayon si Atty. Larry Gadon sa pahayag ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na marami pa rin ang magkukumahog na siraan si President-Elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa kanyang pag-upo.

Sa panayam sa isang event sa Pasay City, inihalimbawa na lamang ni Gadon ang mga makakaliwang grupo o komunistang rebelde pati ang mga dilawan.

Napahiya aniya ang mga ito matapos mahalal na pangulo si Marcos Jr., kaya nais nilang buhayin ang mga paninira at akusasyon laban sa incoming president.

Sa kabilang banda, inilahad ni Gadon na mayroon silang mga proyekto na makatutulong sa incoming Marcos administration na pawang pribadong inisyatiba.

Ito ay gaya na lamang ng housing developments, food hubs and terminals at iba pa.

Samantala, nilinaw ni Gadon na walang inialok at walang ipinangako na posisyon si BBM sa kanya na posisyon sa gobyerno.

More in National News

Latest News

To Top