Connect with us

Mga estudyante mula sa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila, lumahok sa 1st ROTC Fancy Drill Competition

Mga estudyante mula sa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila, lumahok sa 1st ROTC Fancy Drill Competition

National News

Mga estudyante mula sa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila, lumahok sa 1st ROTC Fancy Drill Competition

Nasa 14 na kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila ang nagpakita ng kasanayan at galing sa rifle drills sa ginanap na 1st NCR Regional Community Defense Group ROTC Fancy Drill Competition.

Ang aktibidad ay isinagawa sa Headquarters ng Philippine Army (PA) Grandstand, Fort Bonifacio Taguig City.

Itinanghal na kampyon ang Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa ROTC Unit habang ang Makati Science Technological Institute of the Philippines ROTC Unit ang 1st runner-up at ang UP Diliman ROTC Unit ang nakakuha ng 2nd runner-up.

Kaugnay nito, pinuri naman ng pamunuan ng PA ang nasa mahigit 400 ROTC cadets na lumahok sa aktibidad.

Binigyang diin ng pamunuan ng PA ang kahalagahan ng ROTC sa pagtulong sa pagpapalakas ng bansa sa pamamagitan ng paghubog sa mga bagong lider na mahalaga sa kabuuang kalagayan at pag-unlad ng bansa.

More in National News

Latest News

To Top