National News
Mga estudyante na magkokolehiyo na nais humingi ng financial assistance sa CHED, maaari ng magsumite ng aplikasyon
Maaari nang magsumite ng aplikasyon ang mga estudyante sa kolehiyo na nais makakuha ng pinansyal na tulong mula sa Commission on Higher Education (CHED) sa school year 2020-2021.
Ayon sa CHED, mayroong 2,467 slots na available sa ilalim ng kanilang scholarship program para sa mga incoming college students na ang general average ay 90% pataas.
Kabilang sa maaring mag-apply ay mga Filipino citizen, hindi dapat lalagpas sa P400,000 ang pinagsamang annual gross income ng magulang at dapat mag-enrol sa akinmang priority courses na tinukoy ng CHED.
Tatagal naman ang online application sa Mayo 31, 2020.
Bawat scholar na mapagkakalooban ng cash grant ay mabibigyan ng P20,000 hanggang P60,000 kada academic year.