Connect with us

Mga foreign students na posibleng banta sa national security, minomonitor na

Mga foreign students na posibleng banta sa national security, minomonitor na

National News

Mga foreign students na posibleng banta sa national security, minomonitor na

Iniimbestigahan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang mga dayuhang nagmamay-ari ng student visa na hinihinalang sangkot sa mga ilegal na aktibidad habang narito sa bansa.

Ito ang nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) kasabay ng sinasabing may ilang ng mga Chinese students ang nag-araal sa Cagayan.

Nilinaw ni Immigration Commissioner Norman Tansingco na aktibo ang pag-iimbestiga sa mga foreign nationals na may student visa, lalo na sa mga sangkot sa mga aktibidad na posibleng banta sa seguridad ng bansa.

Nilinaw naman ni Tansingco na tanging mga foreign nationals na inendorso ng mga lehitimong eskwelahan at ng Commission on Higher Education (CHED) ang binigyan ng student visa.

More in National News

Latest News

To Top