Connect with us

Mga gumaling na sa COVID-19, kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine

Mga gumaling na sa COVID-19, kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine

COVID-19 UPDATES

Mga gumaling na sa COVID-19, kailangan pang sumailalim sa 14-day quarantine

Inihayag ng Department of Health (DOH) na kailangan pa ring sumailalim sa 14-day quarantine ang isang pasyente na gumaling na sa Coronavirus Disease 2019 (COVID-19).

Ito’y ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire para masiguro na hindi makahawa kung saka-sakali na pag-uwi niya ay magkaroon pa ulit ng positive na test.

Pero ayon sa opisyal, maaari nang pauwiin galing ospital ang mga suspected case kung magne-negatibo sila sa COVID-19 testing.

Indikasyon din daw na pwede na i-discharge sa pagamutan ang isang suspected case kung bumuti na ang lagay nito, gaya ng pagkawala ng ubo at iba pang sintomas.

Pwede na ring umuwi ang isang confirmed patient kung nag-negative siya sa testing gamit ang RT-PCR kits.

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top