Connect with us

Mga guro, dapat maging professional at role model sa mga estudyante – VP Sara

Mga guro, dapat maging professional at role model sa mga estudyante – VP Sara

National News

Mga guro, dapat maging professional at role model sa mga estudyante – VP Sara

Pinaalalahanan ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte ang mga guro na huwag makipag-inuman kasama ang mga estudyante.

Paliwanag ni VP Sara Duterte na dapat maging professional ang mga guro dahil sila ay nagbibigay serbisyo sa kanilang mga estudyante bilang kanilang mga kliyente.

Sa ginanap na culminating program ng 30th National Children’s Month, sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na marami aniya ang hindi naiiintindihan ang kaniyang posisyon hinggil sa pagiging professional.

Sa muling pagpapaliwanag ni Duterte na kung ikaw ay isang guro ay hindi dapat makipag-inuman kasama ang mga estudyante.

Aniya, ito ang panimula kung ano ang nais gawin ng guro sa kaniyang mag-aaral.

“But truly, if you are a teacher, you have no business drinking alcohol with your students. And if you are a teacher and you are attracted to a student you are drinking with, that is preliminaries to what you want to do to the child,” ani VP Inday Sara.

Ayon kay Duterte na kapag siya ay nakikipag-usap sa mga guro palagi niyang pinapaaalahanan ang mga ito na may linya sa pagitan ng isang teacher at estudyante dahil sila ay mga ‘person of authority.’

“And going out with your students, drinking with your students and may alak, watching pornography with your students, that blurs the line with you as a figure of authority,” dagdag pa nito.

Dapat aniya ay maging role model at professional ang mga guro dahil sila ay nagbibigay serbisyo sa kanilang estduyante bilang kanilang mga kliyente.

“Kaya lagi kong sinasabi talaga sa mga teachers na you should be professional dahil you are dispensing service to these students who are your clients, and therefore you have to be unbiased and you have to be a role model to them,” giit pa ng bise presidente.

Matatandaan na binatikos ng ilang kritiko ang department order no. 49 ng DeEed.

Ang DO 49 ay nag-uuutos sa mga mga teaching at non-teaching personnel na panatilihin ang pagiging propesyonal.

Partikular na paalala sa mga guro ay iwasan ang pagkakaroon ng relasyon sa mag-aaral sa labas ng klase.

 

More in National News

Latest News

To Top