Connect with us

Mga hayop, hindi dapat pagsuotin ng face mask sa gitna ng COVID-19 outbreak

Mga hayop, hindi dapat pagsuotin ng face mask sa gitna ng COVID-19 outbreak

COVID-19 UPDATES

Mga hayop, hindi dapat pagsuotin ng face mask sa gitna ng COVID-19 outbreak

Hindi dapat pagsuotin ng face mask ang mga hayop ngayong kinakaharap ng Pilipinas ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) outbreak.

Ito ang isa sa mga paalala na ginawa ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) Asia.

Ayon pa sa naturang animal rights group, posibleng mahirapan sa paghinga ang mga hayop tulad ng aso o pusa kung pasusuotin sila ng face mask.

Idinagdag din ng grupo na dapat hinahayaang makagalaw ang mga alaga sa loob ng bahay at huwag silang ikukulong.

Ang mga tao naman na may sakit o nasa ilalim ng atensyong medical para sa COVID-19 ay dapat iwasan ang pakikipag halubilo sa mga hayop na inaalagaan din ng ibang miyembro ng pamilya sapagkat maaring kumapit ang virus sa kanilang balahibo.

Posible kasi na ang corona virus ay kumakapit sa balahibo ng hayop, katulad ng pagkapit nito sa mga hawakan ng pinto, handrail, kamay ng ibang tao, o kahit anong bagay na hinawakan ng ibang tao na may sakit.

Ang naturang mga paalala ng PETA ay ginawa bagaman umayon ang mga eksperto mula sa World Health Organization (WHO), U.S Centers for Disease Control and Prevention, at iba pa na ang mga aso at pusa ay walang panganib magkaroon ng COVID-19.

Ang ating mga alagang aso at pusa ay sa atin naka salalay, lalo na sa mga ganitong krisis, ” ayon kay PETA Senior Vice President Jason Baker.

Dagdag pa ni Baker, pinapaalalahan ng PETA ang lahat na magkaroon pa rin ng masustansyang pagkain, maraming ehersisyo at pagmamahal ang mga alagang hayop.  

More in COVID-19 UPDATES

Latest News

To Top