Connect with us

Mga hayop, pwede nang isakay sa MRT-3

Mga hayop, pwede nang isakay sa MRT-3

Metro News

Mga hayop, pwede nang isakay sa MRT-3

Papayagan na ng Metro-Rail Transit 3 (MRT-3) ang pagdadala o pagsakay ng mga hayop sa tren.

Ayon sa anunsiyo ng MRT-3, maaari nang isabay ang ‘fur babies’ na mga aso at pusa.

Pinaalalahanan din nito ang mga pasahero na dapat naka-suot ng diaper ang mga alagang hayop at nakalagay sa hawla.

Isang alagang hayop lamang ang pwedeng dalhin ng isang pasahero at hindi ito maaaring paupuin o ilagay sa upuan ng pasahero.

Bukod pa rito, lalagda rin ng waiver ang pasahero na magsasabi na walang pananagutan ang MRT-3 sa pinsalang maidudulot ng alagang hayop.

 

Continue Reading
You may also like...

More in Metro News

Latest News

To Top