Connect with us

Mga inaresto sa Hacienda Tinang, hindi lahat magsasaka – Concepcion Police

Mga inaresto sa Hacienda Tinang, hindi lahat magsasaka – Concepcion Police

Regional

Mga inaresto sa Hacienda Tinang, hindi lahat magsasaka – Concepcion Police

Hindi lahat ng mga naaresto sa Hacienda Tinang, Concepcion, Tarlac ay magsasaka.

Ibinunyag ito ni Concepcion Police Chief Police Lt. Col. Reynold Macabitas sa panayam ng sonshine Radio kung saan 12 lamang sa mga ito ang totoong magsasaka.

“Ang totoo po niyan. Ang bilang lang po ng magsasaka ay labindalawa lang po the rest po ay mga estudyante na nanggaling po sa PUP, UP, MSU lalong lalo na din po galing po sa Medina kalakip po ang Tarlac,” ani Macabitas.

Magugunitang inaresto ng awtoridad ang 87 aktibista at mga magsasaka matapos sirain at guluhin ang mga tanim ng mga co-owners ng Collective Certificates of Land Ownership Award.

Samantala sa press conference, sinabi naman ni Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Sec. Bernie Cruz na hindi magsasaka ang nasa likod ng gulo kundi mga estudyante na kasapi sa makakaliwang grupo.

Inihayag din ng kalihim na pawang magsasaka rin ang nagreklamo sa pulisya dahil sa hindi makataong ginawa ng mga ito sa mga tanim ng mga Agrarian Reform beneficiaries sa 4 na ektaryang lupain.

More in Regional

Latest News

To Top