National News
Mga internet service providers at socmed media platforms, inalerto ng DOJ
Nanawagan ang Department of Justice (DOJ) sa mga internet service providers at social media platforms na palakasin ang safeguard mechanisms para labanan ang online sexual abuse or exploitation of children.
Ipinaliwanag ni Justice Undersecretary Nicholas Felix Ty na dapat ay pagbutihin ng internet intermediaries ang age verification systems, content moderation filters nito at gawing user-friendly ang reporting mechanisms sa ganitong uri ng mga insidente.
Ang mga online platforms aniya, ang may pinakamalaking papel para pigilan ang pang-aabuso online sa mga bata.
Pinaalala ng DOJ na kung mabibigo ang social media platforms na sumunod sa mga alituntunin ay maaari na silang patawan ng parusa.
