Connect with us

Mga isyu vs. Pastor ACQ, ‘di totoo– Brazilian KOJC missionaries

Mga isyu vs. Pastor ACQ, 'di totoo– Brazilian KOJC missionaries

National News

Mga isyu vs. Pastor ACQ, ‘di totoo– Brazilian KOJC missionaries

Mahigit 10 taon nang miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang Brazilian national na si Bro. Mayk Dennis Oliviera.

Mula 2015 hanggang ngayon, buo ang kaniyang paniniwala sa mga turo ng KOJC at sa spiritual leader nito na si Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ang kaniyang dalawang nakababatang kapatid na babae at mga magulang ay KOJC members din sa Brazil at dahil sa patuloy na paninira laban sa butihing Pastor ay binasag na nito ang kaniyang katahimikan.

“No one who has so much concern about family would be stupid enough to let their younger sisters stay in a place where there is a rapist. No one. There are many accusations about Pastor, saying that he’s a rapist, saying that he doesn’t have love for children—whatever they’re saying,” ani Bro. Oliviera.

Ayon kay Oliviera, hindi siya magtatagal sa KOJC kung sakaling totoo man ang mga paratang kay Pastor Apollo. “Me, myself, as an older brother, I would never let my whole family, especially my small sisters, be in a place where there is a rapist. If Pastor were really one, I would never be here in the Kingdom. I wouldn’t just keep them away, but I wouldn’t be here myself.”

Ang kapwa niya ring KOJC full-time worker mula Brazil na si Sis. Natalia Prado, nagpasalamat sa tulong ni Pastor Apollo.

Kung wala raw aniya ang mga turo ng butihing Pastor ay patuloy itong mapapariwara sa buhay lalo na’t puno ng kahilayan sa Brazil. “Pastor was the one who brought me to the light, and he was also the one who presented me the words of God. Without Pastor, I was lost. I didn’t really care about the existence of God; I didn’t even care about my own life. So if it was not for Pastor, I would not be here today.”

Diin ni Prado, kabaliktaran sa mga akusasyon ang tunay na nangyayari sa loob ng KOJC dahil itinataas pa nga ni Pastor Apollo ang dignidad at binibigyan ng disenteng buhay ang mga kababaihan sa KOJC.

Dahil dito, mayorya sa KOJC administrators ay kababaihan, tanda ng paggalang ng butihing Pastor sa mga ito.

Kaakibat na rin dito ang angkop na disiplina.

Pahayag ni Sis. Prado, “He just wants us to grow and be excellent so we can also grow as leaders. But it was never the way they’re saying. Even our father and mother, they also discipline us. If you don’t want to follow what they say, of course, they just want the best for you. That’s why they’re disciplining you.”

Sa ngayon ay pinag-aaralan na ng legal counsel ng KOJC ang paghahain ng kaso sa mga bagong lumitaw na naninira sa butihing Pastor.

Ayon kay KOJC legal counsel Atty. Israelito Torreon, mapipilitan silang gawin ito dahil labis na ngayon ang smear campaign laban kay Pastor Apollo. “Itong mga complainants na ito alam namin, tinuturuan lamang kung anu-ano yung isasabi nila. At the end of the day, baka hindi na ito tutulungan ninyo at of course magsasabi na ito eventually ng totoo and ma-unmask kayo.”

Sa huli, nanindigan ang KOJC workers na nakapanayam ng SMNI News na hinding-hindi magbabago ang kanilang paniniwala kay Pastor Apollo at kahit anong mangyari, kanilang tatayuan ang kanilang paniniwala na inosente at pawang kabutihan lamang ang butihing Pastor.

More in National News

Latest News

To Top