National News
Mga itlog, ikinokonsiderang isali sa mga relief pack ng DSWD
Ikinokonsidera ng Department of Agriculture (DA) na isali ang mga itlog sa mga relief pack na ipinamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ayon kay DA Asec at Spokesperson Arnel De Mesa, paraan ito upang matulungan ang mga producer ng itlog.
Para maitaguyod na rin ang tamang nutrisyon imbis na noodles at canned goods ang ipamahagi.
Ani De Mesa, pag-uusapan nila ito ni DSWD Usec. Edu Punay dahil nakatutulong ang hakbang upang matugunan ang malnutrisyon ng mga kabataan sa bansa.
